Wednesday, November 4, 2009

orig na drawing.... lumang komiks





Kahapon (November 2, 2009), nagawi ako sa ABS-CBN. Pinasyalan ko si pareng Omeng Estanislao. Gusto ko kasing magkaroon ng kopya ng mga sinulat at drawn comics nya. Kumpleto naman ang mga comics na nakuha ko mula sa kanya.

Nagkataon na naroon din si KC Cordero. First time ako nagawi sa ABS-CBN at first time ko din na-meet si KC Cordero. Napakatagal nang naririnig at nababasa ko ang pangalan nya mula nung uso pa ang GASI at ATLAS PUBL at finally kahapon ay nakilala ko sya. Naaliw naman ako sa kwentuhan namin. Marami akong nalaman at natutuhan sa mga nakausap ko kahapon. Kasama na rin sa nakakuwentuhan namin si Komiklopedia.

Masarap silang kausap at nakakatuwang malaman na talagang patuloy nilang binubuhay ang komiks sa abot ng kanilang makakaya . At may magandang epekto naman sa halos lahat ng artists at writers ng komiks. Syempre malaking tulong yung mga bloggers na masipag na nag-a-upload at nagbibigay ng updates sa mga nagyayari sa komiks industry.

At dahil sa kwentuhan namin kahapon, eh pati ako naeengganyo na rin gumawa ng blog at makibahagi sa kanilang magandang hangarin para sa komiks.

At bilang panimula, gusto ko lang i-share din sa mga kasama natin ang interes kong mag-ipon din ng mga works ng mga magagaling nating artists. At eto yung naitabi kong mga original illustrations ng mga artists na nameet ko at hindi.

Have a nice day comics people!!!!!!



Noly Zamora's artwork 1984





Nestor Malgapo


Mar Santana






joey Celerio





Rudy Nebres (sayang napulbos na yung liquid paper ng retouches sa kalumaan) 60's






Rudy Villanueva (FUNHAUS)




Jim Fernandez




Thor Infante





Hal Santiago

13 comments:

  1. sayang hindi ako nakasama kahapon, sinabi nga ni mikail na magkikita daw sila ni kuya kc. may tinatapos kasi ako. welcome sa blog world!

    ReplyDelete
  2. thanks bro...oo nga eh...ganda pala mamasyal dun sa ABS-CBN...dami magaganda.....at malamig hehehehe...

    may balita ka ba kay Mario?

    thanks

    ReplyDelete
  3. nasa middle east si mario. may picture akong nilagay niya sa guhit pinoy at phil. comics message bvoard--nasa blog ko ang links

    ReplyDelete
  4. Maraming salamat sa paglink! Isa na ako sa magiging regular visitor ng blog mo.

    Welcome to the blogworld, bro.

    ReplyDelete
  5. Thanks bro...ingat ka sa paglipad mo sa monday....

    gudluck at sana ay nakarami ka ng na-scan mo para madami ka ipopost sa blog mo pagdating mo sa iyong paroroonan ....

    sayang nga lang at di ko nakita ang iyong mga collection...sad ako ....hehehehe

    ReplyDelete
  6. Bro, marami pa namang pagkakataon. Wala na nga lang akong time ngayon. Sayang, hindi ko rin nakita mga collections mo.

    Bro, baka pwede padala ka sa akin ng short personal profile mo, post ko sa site ko. Salamat.

    ReplyDelete
  7. Mga bro! Maraming salamat sa pagkikita natin nung Monday Nov 2. Unexpected na pangyayari hahaha sa wakas di ko lang kayo nakakachat nakita ko pa kayo at nakamayan.
    Maraming salamat sa pagtangkilik sa komiks ko at sa mga comments mabuhay kayo. May bagong mundo ulit ako bukod sa mundo ng bisikleta, mma, toys at sculpture... mundo ng paggawa ng komiks!
    Maraming salamat din mr. komiklopedia kita kits tayo ulit! Napakaganda ng iyong koleksyon sana ako ang magdesign ng iyong komiks library sa bahay ninyo.

    ReplyDelete
  8. Brod Omeng! Unexpected talaga ang mga pangyayari. Ang dating nakikita at nababasa ko lang sa blog ay nakita ko rin sa personal. Nabasa ko na ang mga komiks mo. Ang gaganda lalo na iyong "Lipad". Gumawa ka pa ng maraming komiks.

    Kita kits ulit sa susunod kong bakasyon. Hayaan mo, ikaw ang kukunin kong designer ng magiging komiks library ko.

    ReplyDelete
  9. ok komiklopedia...email ko sa yo short profile ko...
    good luck at bon voyage sa yo!!!!!!!
    post ka pa ng madaming drawing ng bawat artist ha...

    thanks!!!!

    ReplyDelete
  10. brod omeng....thank you din...pag maganda talaga..dapat e tangkilikin yan....para mas gumawa pa ng mas maganda, di ba...

    kaya nadagdagan ang mag aabang ng comics mo hehehehe...

    ReplyDelete
  11. Brod Dino: salamat! hanggang sa muling pagkikita....

    ReplyDelete
  12. salamat din kapatid......see you next year...ingats..

    ReplyDelete
  13. Psssst.... brod ngayon ko lang nakita tong blog mo. salamat sa add ng link. kamusta? kelan ka nakauwi?

    ReplyDelete