Saturday, November 7, 2009

Nang magsara ang GASI, maraming mga artists ang nalungkot...mawalan ba naman tayo ng pagkakakitaan at syempre pansamantalang huminto ang mundo ng comics artists sa mga panahong yon..

isa si kuya Orlee Vee sa nakaramdam ng ganun...malapit ko syang kaibigan at marami akong natutuhan sa kanya...isa na yung maglasheng ng husto sa Gin......

matagal kaming di nagkita..nag-animation at naglibro na ako. after a year, ng minsang pinasyalan ko sya.. nalungkot ako kasi parang tinalikuran na rin nya ang pagiging artist at ang lahat ng mga naitabi nyang komiks at references ay ayaw na nyang makita..
marami na syang naitapon at naipamigay na collection nyang lumang komiks at references. Ang ilan ay inabot ko pa..sabi nya kunin ko na lang kasi itatapon na nya eh…ang ginawa ko kinalkal ko yung lagayan nya ng mga komiks..yung iba nasa basurahan na at yung iba nagkalat na lang dun na nagkasira sira na..kinuha ko yung makita kong komiks..at syempre nakakahiya rin naman na iuwi ko ang mga yon ng ganun na lang kaya binayaran ko naman sya kahit paano..at sinabi ko sa kanya na kung mapapakinabangan ko yung mga nabili ko sa kanyang komiks ay magkakaroon din sya..

Pinag iisipan ko pa kung ibebenta ko yung iba…








Nestor Redondo's SWAMP THING 1974...



























No comments:

Post a Comment