Saturday, November 7, 2009

Nang magsara ang GASI, maraming mga artists ang nalungkot...mawalan ba naman tayo ng pagkakakitaan at syempre pansamantalang huminto ang mundo ng comics artists sa mga panahong yon..

isa si kuya Orlee Vee sa nakaramdam ng ganun...malapit ko syang kaibigan at marami akong natutuhan sa kanya...isa na yung maglasheng ng husto sa Gin......

matagal kaming di nagkita..nag-animation at naglibro na ako. after a year, ng minsang pinasyalan ko sya.. nalungkot ako kasi parang tinalikuran na rin nya ang pagiging artist at ang lahat ng mga naitabi nyang komiks at references ay ayaw na nyang makita..
marami na syang naitapon at naipamigay na collection nyang lumang komiks at references. Ang ilan ay inabot ko pa..sabi nya kunin ko na lang kasi itatapon na nya eh…ang ginawa ko kinalkal ko yung lagayan nya ng mga komiks..yung iba nasa basurahan na at yung iba nagkalat na lang dun na nagkasira sira na..kinuha ko yung makita kong komiks..at syempre nakakahiya rin naman na iuwi ko ang mga yon ng ganun na lang kaya binayaran ko naman sya kahit paano..at sinabi ko sa kanya na kung mapapakinabangan ko yung mga nabili ko sa kanyang komiks ay magkakaroon din sya..

Pinag iisipan ko pa kung ibebenta ko yung iba…








Nestor Redondo's SWAMP THING 1974...



























Wednesday, November 4, 2009

orig na drawing.... lumang komiks





Kahapon (November 2, 2009), nagawi ako sa ABS-CBN. Pinasyalan ko si pareng Omeng Estanislao. Gusto ko kasing magkaroon ng kopya ng mga sinulat at drawn comics nya. Kumpleto naman ang mga comics na nakuha ko mula sa kanya.

Nagkataon na naroon din si KC Cordero. First time ako nagawi sa ABS-CBN at first time ko din na-meet si KC Cordero. Napakatagal nang naririnig at nababasa ko ang pangalan nya mula nung uso pa ang GASI at ATLAS PUBL at finally kahapon ay nakilala ko sya. Naaliw naman ako sa kwentuhan namin. Marami akong nalaman at natutuhan sa mga nakausap ko kahapon. Kasama na rin sa nakakuwentuhan namin si Komiklopedia.

Masarap silang kausap at nakakatuwang malaman na talagang patuloy nilang binubuhay ang komiks sa abot ng kanilang makakaya . At may magandang epekto naman sa halos lahat ng artists at writers ng komiks. Syempre malaking tulong yung mga bloggers na masipag na nag-a-upload at nagbibigay ng updates sa mga nagyayari sa komiks industry.

At dahil sa kwentuhan namin kahapon, eh pati ako naeengganyo na rin gumawa ng blog at makibahagi sa kanilang magandang hangarin para sa komiks.

At bilang panimula, gusto ko lang i-share din sa mga kasama natin ang interes kong mag-ipon din ng mga works ng mga magagaling nating artists. At eto yung naitabi kong mga original illustrations ng mga artists na nameet ko at hindi.

Have a nice day comics people!!!!!!



Noly Zamora's artwork 1984





Nestor Malgapo


Mar Santana






joey Celerio





Rudy Nebres (sayang napulbos na yung liquid paper ng retouches sa kalumaan) 60's






Rudy Villanueva (FUNHAUS)




Jim Fernandez




Thor Infante





Hal Santiago